Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Epekto ng bagyong "Yolanda" laman pa rin ng mga balita

(GMT+08:00) 2013-12-03 18:17:19       CRI

Epekto ng bagyong "Yolanda" laman pa rin ng mga balita

SA pagtataya ng Department of Social Welfare and Development, mayroong 14.9 milyong mga Pilipino ang apektado ni "Yolanda" noong nakalipas na buwan. Kabilang na rito ang 4.13 milyong nawalan at nakaalis sa kanilang mga tahanan. Sinabi ng United Nations na mayroong 204,131 katao ang naninirahan pa sa 1,031 mga evacuation center. Bagaman, tinataya ng pamahalaan na mababawasan ito sa mga susunod na araw.

Prayoridad pa rin ng humanitarian community ang pagkain, masisilungan, pagkakaroon ng hanapbuhay at pagbabalik ng basic government services. Ang mga kabalikat ng iba't ibang ahensya ay nag-uulat na kulang pa rin o hindi pa nakararating ang pagkain at iba pang ayuda dahilan na rin sa kakulangan nito. Mas malaki ang natatanggap ng mga naninirahan sa tabing-daan kaysa mga nasa malalayong pook.

Ang mga magsasaka ay nangangailangan ng tulong na malinis at maayos ang kanilang pagtatamnan. Kailangang mapalalim ang mga daluyan ng patubig (irrigation) sapagkat magtatapos ang taniman sa Enero. Kailangan din ng mga mangingisda ng bagong mga kagamitan tulad ng mga lambat at bangka.

Kahit pa binanggit ng pamahalaan na balik-paaralan na ang mga eskwela kahapon, maraming mga paaralan pa rin ang ginagamit bilang evacuation centers. Bagama't nalinis na rin ang ilang basura at dumi ng tao, ilang pinagkukunan ng tubig ang nabatid na positibo sa faecal coliform kaya't nababahala ang mga tumutulong na sumiklab ang epidemya. May mga hindi pa rin natutulungang mga pook sa baybay-dagat ng Eastern Samar at maging sa Ormoc City at mga paligid nito.

Ibinalita ng mga kabilang sa Health Cluster ang pagdami ng mga pasyenteng may upper respiratory ailments sa pagpapatuloy ng pag-ulan. Sa paghahanda ng mga banyagang manggagamot na bumalik na sa kanilang mga bans, kailangang halinhan sila ng mga manggagamot mula sa Pilipinas.

Ayon sa pamahalaan, prayoridad nila ang shelter at public infrastructure, pagkakakitaan at hanapbuhay, mga pasilidad sa mga komunidad, social services na kinabibilangan ng edukasyon at kalusugan.

Sa larangan ng pandaigdigang komunidad, matapos ang Multi-cluster Initial Rapid Assessment (MIRA), ilulunsad na man nila ang Strategic Response Plan (SRP) sa susunod na Martes. Ihahayag ang mga palatuntunang ipatutupad sa susunod na 12 buwan.

Kung pondo ang pag-uusapan, umabot nasa US $ 399 milyon ang naipadalang tulong sa mga biktima ng bagyo. Mula sa halagang ito, $ 172 milyon ang ipinarating sa Typhoon Haiyan Action Plan ng mga kasaping bansa, ng Central Emergency Response Fund, multilateral institutions, mga pribadong kumpanya at mga mamamayan. Kailangan ng Haiyan Action Plan ng $ 348 milyon upang matugunan ang life-saving at early recovery programmes. Umabot na sa 49% ng buong halaga ang napondohan na.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>