|
||||||||
|
||
Arsobispo ng Maynila, nahirang na kasapi ng Pontifical Congregation for Catholic Education
HINIRANG na kasapi ng Pontifical Congregation for Catholic Education si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle kahapon. Ayon sa pahayag ng Vatican Information Service, makakasama ni Cardinal Tagle ng Maynila sina Cardinal Bechara Boutros Rai, Patriarch of Antioch of the Maronites, Cardinal Odilo Pedro Scherer, Arsobispo ng Sao Paolo, Brazil, Cardinal John Njue, Arsobispo ng Nairobi, Kenya, Cardinal Timothy Michael Dolan, Arsobispo ng New York at iba pa.
Si Cardinal Tagle ay 56 na taong gulang, isa sa pinakabatang cardinal sa daigdig.
Nagtapos sa St. Andrew's School sa Paranaque noong 1969 sa St. Andrews School nagtapos ng High School taong 1973. Nagtapos ng A. B. Philosphy sa Ateneo de Manila University at sa San Jose Major Seminary ang cardinal. Mayroong Masters degree sa Loyola School of Theology noong 1982 at Licentiate in Sacred Theology sa Catholic University of America sa Washington, D. C. Nagkaroon din ng Doctorate sa Sacred Theology sa Catholic University of America sa Washington, D. C. pa rin noong 1991.
Nanungkulan siya bilang Arsobispo ng Maynila mula noong 2011.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |