|
||||||||
|
||
Matagal na ang "Air Identification Zone"
HINDI na bago ang pagkakaroon ng "Air Identification Zone." Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippine Ma Keqing sa isang press briefing kahapon ng hapon sa Philippine Red Cross.
Ipinaliwanag ni Ambassador Ma na noon pang Dekada Singkwenta (1950s) nagkaroon ng Air Identification Zone ang higit sa 20 mga bansa tulad ng Estados Unidos, Japan at Timog Korea.
Idinagdag pa ng diplomata na walang anumang layuning maging dahilan ng kaguluhan ang desisyon ng kanyang pamahalaan. Hindi ito makasasagabal sa kalayaang maglakbay kung kanilang sasabihan lamang ang mga autoridad na Tsino, dagdag pa niya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |