|
||||||||
|
||
Mga nasugatan, nangangailangan ng ibayong pagkalinga
NANAWAGAN ang World Health Organization sa pamahalaan at sa mga may mabubuting kalooban na tulungan ang mga nagtamo ng malubhang pagkakasugat na mabigyan ng sapat na rehabilitasyon at iba pang paraan ng pagkalinga.
Mula sa apektadong rehiyon ang ginagamot na 20 kataong may spinal cord injuries, maraming naputulan at iba pang mayroong malubhang pagkabali ng buto.
Sa pagkakaroon ng masasakyan at nalinis na mga lansangan, nakikita na ang mas malulubhang kalagayan ng mga biktimang nakakarating iba't ibang pagamutan.
Idinagdag pa ni Dr. Julie Hall na ang malalakas na bagyong tulad ni "Yolanda" ay maaaring pagmulan ng bagong henerasyon ng mga taong may kapansanan kung hindi makararating sa mga pagamutan ang mga nasugatan.
Nababahala rin sila sa World Health Organization sa mga dati nang may kapansanan bago pa man tumama ang bagyo. Ang mga ito ay ang mga nawalan na salamin, hearing aid at mga wheel chair na natangay ng bagyo.
Kasama ng Kagawaran ng Kalusugan ang WHO-Philippines sa pagpapatupad ng emergency health response sa pagpapadala ng may 60 banyagang mga manggagamot sa malubhang napinsala ng bagyo.
Sa pagkakataong ito, nanawagan si Dr. Hall na nararapat matiyak na may sapat na pagkain, tubig, matitirhan, palikuran kabilang na rin ang mga prosthetics ng mga may kapansanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |