Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

To My Dear Granny

(GMT+08:00) 2014-04-08 10:24:41       CRI

Isang family oriented movie ang pag-uusapan nila Mac at Andrea sa Pelikulang Tsino, Nood Tayo. Ito ang To My Dear Granny. Kwento ito ng isang pamilya na binubuo ng isang lola, nanay at anak na lalaki.

Naulila sa ama si A-da at siya ay pinalaki ng kanyang nainai o lola sa ama. Busy sa pagtratrabaho ang kanyang biyudang Mommy kaya madalas na magkasama sina A-da at ang kanyang lola. Ang buong pelikula ay nagpakita sa relasyong nilang tatlo.

Si Yu Ning Chu, writer-direktor ng pelikula ang direktor To My Dear Granny. Ang pelikula ang napiling opening film sa 49th Taipei Golden Horse Film Festival nitong 2012.

Naalala nyo pa ba ang drama na It Started With A Kiss? Si Yu Ning Chu rin ang direktor nito. Pinagbidahan ang drama nila Joe Cheng, Ariel Lin at Jiro Wang.

Mga memorable na linya sa pelikula:

"Dear grandma, it is very difficult to tell your story, because it is so ordinary... There are many seemingly unimportant things which happened between us that changed me."

"Grandma has become a fairy and went traveling around the world."

"What does it mean to 'become a fairy'?"

"It means when you miss grandma, look up in the sky. If you see clouds, it means that grandma is watching us from behind the clouds."

Kung very close ka sa lola mo, talagang magugustuhan mo ang pelikula. At mami-miss mo to the point na gusto mong dalawin at makasama muli ang lola mo. Ganito ang impact ng pelikula. Kahit di close sa lola, may certain qualities ang pelikula na pwedeng makakumbinsi sa manonood na pwede pa siguro gawing mas mabuti ang relasyon sa kanilang lola o nanay.

Kung tutuusin legally sa pelikula, wala ng ugnayan ang lola sa manugang na babae. Pero dahil sa kailangan ng mag-aalaga kay A-da magkakasama silang nanirahan sa isang bahay. Di na rin nag-asawa ulit ang nanay ni A-da kahit may manliligaw siya. Bawat isa ay may sacrifice para sa kanilang pamilya. Nakita rin sa pelikula ang tension sa pagitan ng lola at nanay. Tipikal yun kasi iba ang pagmamahal ng lola sa pagmamahal ng isang ina.

Alamin ang iba pang mga elemento ng pelikula na nagustuhan nila Mac at Andrea sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.

Ang granny

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
mac
v COLOR ME LOVE 2014-03-31 11:05:17
v No Man's Land 2014-03-19 16:44:07
v Love Speaks 2014-03-13 17:51:24
v Beijing Love Story 2014-03-10 11:09:10
v Tagumpay ng Pelikulang Tsino sa Berlin Film 2014-02-25 16:43:29
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>