Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Barack Obama, dumating sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-04-28 19:01:54       CRI

PANGULONG AQUINO, SINALUBONG SI PANGULONG OBAMA.  Makasaysayan ang pagdalaw ni Pangulong Barack Obama sa Pilipinas.  Ito ang kasunod na pagdalaw ng pangulo ng America sa Pilipinas may 11 taon na ang nakalilipas.  (Pool Photos/XINHUA)

DUMATING na si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Maynila mga ala-una y media ng hapon sakay ng kanyang Air Force One mula sa Royal Malaysian Air Force headquarters sa Kuala Lumpur at sinimulan ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa bansa.

Sinalubong siya ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa NAIA at sumakay kaagad sa kanyang Marine 1 Helicopter na nagdala sa kanya sa Malacañang.

PANGULONG BARACK OBAMA AT PANGULONG AQUINO NAG-USAP.  Mga isyung bumabalot sa relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas ang pinag-usapan nina Pangulong Barack Obama at Benigno Simeon C. Aquino III sa Palasyo Malacanang ngayong ngayon. (Pool Photos/EPA)

Doon siya sinalubong ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Tumagal ang kanilang bilateral meeting ng may isang oras at sabay na nagpahayag at humarap sa media at sumagot sa apat na tanong ng local at foreign press.

Sa kanyang opening statement, nagpasalamat si Pangulong Aquino sa tulong ng Estados Unidos noong hagupitin ng bagyong "Yolanda" ang 44 na lalawigan noong Nobyembre. Ipinagpasalamat din niya ang may US $ 145 milyong ayuda mula sa US Agency for International Development (USAID) lalo't umabot na sa US $434 milyon ang naitulong sa nakalipas na ilang taon. Malaki rin umano ang tulong ng America sa pakikipagkasundo sa Bangsamoro na maghahatid ng kaunlaran, kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Sa panig ni Pangulong Obama, nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Pilipinas ng liderato ni Pangulong Aquino at isang magandang pagkakataong higit na patibayin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Susuportahan ng kanyang liderato ang pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay at sa kahalagahan ng kinalalagyan ng Pilipinas, malaki ang papel ng Pilipinas sa isyu ng maritime security at kalayaang maglakbay sa karagatan.

Ipinaliwanag ni Pangulong Obama na sa pamamagitan ng bayanihan, magtutulungan ang dalawang bansa tulad ng ginawa noong dumaan ang bagyong "Yolanda". Wala rin sa kanilang layuning magtayong muli ng mga base militar sa Pilipinas sapagkat sasanayin ng Estados Unidos ang mga Pilipino sa pagtugon sa humanitarian crisis, higit na palalakasin ang bilateral security relations.

Ani Pangulong Obama, na sa Pilipinas ang pinakamatagal na Mutual Defense Treaty na nilagdaan ng kanilang bansa.

Sa idinaos na press conference, sinabi ni Pangulong Obama na wala sa kanilang layuning labanan ang Tsina sapagkat mayroong nananatiling constructive relations sa pamamagitan ng malaking kalakalan at pakikipagtulungan sa Tsina. Layunin ng America na magkaroon ng paggalang sa international law at umaasa rin siyang magkakaroon ng payapang paraan upang lutasin ang 'di pagkakaunawaan sa pagitan ng Tsina at mga kalapit bansa.

Isang malaking bansa ang Tsina, ani Pangulong Obama at higit na tatatag ang Asia sa oras na mai-angat ng Tsina ang kanyang mga mamamayan sa kahirapan at kakulangan ng magandang kabuhayan.

Idinagdag pa niya na maraming territorial disputes sa buong daigdig at sa kanilang karanasan, mayroon ding suliranin sa pagitan ng Estados Unidos at Canada hinggil sa mga mamunting batuhan at pulo subalit hindi sila nagpapadala ngmga barkong pandigma at sila'y nag-uusap.

Ito rin umano ang kanyang mensahe sa mga bansang dinalaw tulad ng Japan, South Korea at Malaysia na lutasin ang mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasya at payapang paraan. Nais umano ng America na makasama ang Tsina sa pagtugon sa international law at makasama sa pagsusulong ng pandaigdigang batas at mga alituntunin.

Para kay Pangulong Aquino, ang Pilipinas ay 'di kailanman magiging banta sa mga kalapit-bansa sapagkat ni wala ngang eroplanong pandigma ang Pilipinas. Bagaman, binanggit ni Pangulong Aquino ang suliraning dala ng poaching ng mga banyagang mangingisda sa karagatang saklaw ng Exclusive Economic Zone.

Idinagdag niyang hindi kailanman kalakaran sa Pilipinas na patahimikin ang mga kritiko, lalo na ang mga mamamahayag. Mayroon na umanong inter-agency committee na nakatuon ang pansin sa extrajudicial killings. Mumunti lamang umano ang maituturing na work-related sa mga napaslang na mamamahayag.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>