|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Obispo, nagbabala sa mga mamamayan
NAGBABALA si Borongan (Eastern Samar) Bishop Crispin Varquez sa mga mamamayan na huwag umasa sa mga ayuda sapagkat marami pang mga biktima ng trahedyang dulot ni "Yolanda" ang nagsisimulang mamuhay ng normal.
Matapos ang limang buwan, ang pangmatagalang recovery ang nararapat bigyang pansin sa halip na food aid.
Hindi kailanman sasapat ang mga libreng pagkain at ang pangmatagalang tulong ang hindi lamang makakatulong sa pagbangong muli ng mga nasalanta kungdi pagtataas ng kanilang dignidad bilang mga mamamayan.
Umaasa siyang ang lahat ng intervention para sa mga nakaligtas ay hindi magiging dahilan upang umasa na lamang sa ayuda o tulong mula sa labas ng lalawigan.
Sa Eastern Samar, siyam sa 22 bayan ang malubhang hinagupit ni "Yolanda" ng pinakamapaminsalang bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan ng daigdig.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |