Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Enhanced Defense Cooperation Agreement, ikinagulat

(GMT+08:00) 2014-05-01 17:44:07       CRI

MAIHAHAMBING sa salamangka o magic ang pagkakaroon ng enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Nagmula sa wala at bigla na lamang tumambad sa mamamayan ang nilagdaang kasunduan noong Lunes sa pagitan ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg at Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Campo Aguinaldo.

Ayon kay Arsobispo Oscar V. Cruz hati ang mga Pilipino sa paniniwala sa kasunduan sapagkat mayroong nagsasabing makatutulong ito sa madla at mayroong nagsasabing mapanganib ito sa Pilipinas. May nagsasabing taliwas ito sa Saligang Batas samantalang ayon ito sa poder ng ehekutibo, ayon naman sa iba.

Sinabi ni Arsobispo Cruz na mayroong kasabihang walang pagpipilian ang mahihirap o ang mga pulubi kungdi tanggapin ang anumang iniaalok sa kanila. Sa likod umano ng mga balitang maunlad na ang Pilipinas sa larangan ng lipunan at ekonomiya, taliwas ang nagaganap sa pagdami ng mga walang tahanan, mga naninirahan sa ilalim ng tulay at mga estero.

Tanging Estados Unidos umano ang makikinabang sa paggamit ng mga base military at kampo sa buong Pilipinas sa oras na naisin nilang dalhin ang kanilang mga kawal, mga eroplano at barko. Makapagpapasok sila ng kahit ilang kawal na nanaisin nila at magiging pook para sa kanilang Rest and Recreation ang Pilipinas na magdadala ng mga karamdaman at walang amang mga sanggol.

Makapagtatayo sila ng tanggapan sa malalawak at mahahalagang lupain ng mga Bangsa at makapaghahanda para sa inaasahang thermo-nuclear war samantalang kakampi ang Great Britain laban sa Russia at Tsina. Madadala rin ng America ang digmaan sa malalayong pook sa kanilang mga baybay-dagat, dagdag pa ni Arsobispo Cruz.

Samantala, sa ngalan ng Visayas Clergy Discernment Group, sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maihahambing ang Pilipinas sa isang mahirap at masakiting daga na nagpaanyaya sa isang gutom at matapang na leon sa kanyang barong-barong. Sa pagpasok ng leon sa lungga ng daga, inalog nila ang kanyang nakasalong na espada at nagbadyang kailangang sumunod ng leon sa kalakaran ng kanyang tahanan.

Nagoyo na naman ng mga Americano ang mga Pilipino, anang obispo. Ginamit na panakot ang Tsina upang makamtan ang kanilang nais, ang walang hadlang na pagkukuta sa Pilipinas ng kanilang mga kawal.

Maliwanag, ayon kay Bishop Alminaza na hindi magsasagupa ang America at Tsina dahilan sa kanilang kalakal. Layunin ng Estados Unidos at ng kanilang mga mangangalakal na makontrol ang politika sa daigdig at mga daan ng kalakal sa Asia.

Ayon kay Bishop Alminaza, kung maninindigan ang Pilipinas, tiyak na igagalang ng daigdig ang bansa at magbabalik ang paggalang ng mga Pilipino sa kanilang sarili.

Nananawagan ang kanilang lupon na kanselahin ang EDCA at Visiting Forces Agreement sa pinakamadaling panahon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>