Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Enhanced Defense Cooperation Agreement, ikinagulat

(GMT+08:00) 2014-05-01 17:44:07       CRI

Mga manggagawa, nanawagang itigil na ang contractualization

SA pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang mga opisyal at kasapi ng iba't ibang union na tapusin na ang kalakaran ng kontraktuwalisasyon kasabay ng panawagang ipasa ang Security of Tenure bill.

Ayon sa Federation of Free Workers, ang apat na taong pglago ng ekonomiya ay walang katuturan sapagkat wala namang natamong mga hanapbuhay.

Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng FFW na ang paglago ng tubo ng mga kalakal ay nag-uugat sa kakulangan ng mas makataong sahod at benepisyo.

Sa karamihan ng mga pagawaan, may 30% lamang ng mga manggagawa ang regular na trabahador.

Kung magkakaroon ng security of tenure, magkakaroon sila ng kakayahang makapag-unyon at makahiling ng mas magandang benepisyo. Higit umanong lalago ang ekonomiya kung magiging regular ang mga manggagawa sa kanilang pinaglilingkuran.

Sa ginawang pulong sa Malacanang kamakalawa, ipinarating din ng mga manggagawa ang kanilang pagkabahala sa hindi pagkilos ng Bureau of Internal Revenue na magkaroon ng tax breaks ang mga manggagawa.

Binabati ng mga manggagawa ang BIR sa pagkolekta ng buwis kay Manny Pacquiao subalit hindi tulisan ang "Pambansang Kamao" at mayroong mas malalaking tao at kalakal na umiiwas sa buwis at nandaraya sa pamahalaan at mga mamamayan. Binanggit din nila ang pagsasamantala ng smugglers. Marapat umanong unahin ng gobyerno ang mga mandarambong na ito, dagdag pa ng mga manggagaawa.

Inaasahang magkakaroon ng may 30,000 mga manggagawa ang magmamartsa mula sa Welcome Rotunda patungo sa Mendiola at Quiapo Church para sa Misa ni Bishop Jessie Mercado.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>