|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pamahalaan, kumikilos upang malutas ang mga problema sa paggawa
WALANG anumang umento sa sahod mula kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayon subalit sinabi niyang ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang malutas ang mga problema sa sektor ng paggawa.
Tinatangka ng pamahalaang maglatag ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng sektor. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa Integrated Micro-Electronics, Inc. sa Laguna kaninang umaga.
Noon, ani Pangulong Aquino, ay maraming bakanteng trabaho na 'di mapunuan dahilan sa kakulangan ng may kakayahang manggagawa. Mula noong 2011, nakipagtulungan na ang Department of Labor and Employment, Commission on Higher Education, Department of Education at Technical Skills Development Authority sa mga mangangalakal upang alamin kung anong kailangang mga manggagawa.
Tumataas na umano ang bilang ng manggagawa sa larangan ng electronics industry at nagkaroon pa ng multiplier effect sa iba't ibang sektor.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |