|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
"Manggagawa, tunay na yaman ng bansa," Cardinal Tagle
PINURI ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle ang mga manggagawa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayon. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang ang mga manggagawa "ang tunay na yaman ng (ating) bansa."
Ipinaliwanag niyang na sa kamay, sipag at galing "nahuhubog ang kinabukasan ng (ating) bayan." Higit na kahanga-hanga ang mararangal na manggagawang Pilipino na tahimik na nagtatrabaho, matapat sa tungkulin at nanantiling marangal.
Itinuturo ng Simbahan na sa pamamagitan ng paggawa, ang lahat ay "nagiging katuwang, katrabaho ng Diyos sa patuloy na paglikha ng sandaigdigan.
Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng maayos na paggawa, nakararating sa daan tungo sa kabanalan, tungo sa Diyos.
Binanggit ni Cardinal Tagle ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino tulad ng kakulangan ng hanapbuhay, kawalan ng seguridad, mababang pasahod at milyun-milyong mga manggagawang napipilitang mangibang-bansa kahit may nakaambang panganib sa pamilya at lipunan.
Binanggit na ni Pope Francis na ang lahat ng ito'y nag-uugat sa mapaniil na pandaigdigang ekonomiya na pinaghaharian ng salapi sa halip na maglingkod.
Matatapos ang mga suliraning ito kung magkakaroon ng pagkakaisa ang mga manggagawa upang magkaroon ng nag-iisang tinig.
Hinamon din niya ang ibang sektor ng lipunan na makiisa sa adhikain ng mga manggagawa. Kailangan ding ibalik ang pagbabayanihan, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Kasabay ng Araw ng Paggawa ang kapistahan ni San Jose Manggagawa na inspirasyon ng mga anakpawis. Sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto bilang aluwage ay naitaguyod niya ang kanyang mag-anak na sina Santa Maria at Panginoong Hesukristo, dagdag pa ng cardinal.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |