Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

European Union, tutulong pa sa mga biktima ni Yolanda

(GMT+08:00) 2014-05-09 16:12:45       CRI
European Union, tutulong pa sa mga biktima ni Yolanda

EUROPEAN AMBASSADOR AT MGA SAMAHANG PANGDAIGDIG, TUMUTULONG SA PILIPINAS.  Sinabi ni European Union Ambassador Guy Ledoux (kanan) na tumutulong ang kanilang tanggapan sa mga biktima ni Yolanda.  Kasama niya sa larawan si David Sevcik, pinuno ng ECHO, isang tanggapan ng European Union na may kinalaman sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.  (Melo M. Acuna)

 

POSIBLENG UMABOT PA NG APAT NA TAON ANG KANILANG PAGTULONG.  Niliwanag ni Amb. Guy Ledoux na magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa livelihood programs ng mga biktima ni Yolanda.  Baka umano tumagal pa ito ng hanggang apat na taon.  (Melo M. Acuna)

 

 

TINIYAK ni European Union Ambassador Guy Ledoux na magpapatuloy pa silang tumulong sa mga nasalanta ni "Yolanda" sa Silangang Kabisayaan at mga kalapit pook.

Sa kanyang talumpati sa palatuntunang idinaos sa Asian Institute of Management kaninang umaga, sinabi ni Amb. Ledoux na marami nang nagawa upang tulungan ang mga biktima. Ang tulong ng kanilang tanggapan ay sa pamamagitan ng international NGOs at mga ahensya ng United Nations tulad ng Food and Agriculture Organization.

Handang tumulong ang European Union sa mga susunod na buwan at maaaring umabot ng apat na taon at pagtutuunan ng pansin ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan. Kailangan din umanong mapalakas ang kakayahang tumugon ng mga mamamayan sa anumang trahedya at pagsubok. Kasabay nito, binigyang-diin ni Ambassador Ledoux na kailangang magsagawa ng mga pagmamapa upang mabatid ang mga mapapanganib na pook.

Sa ginawang exclusive interview kay Ambassador Ledoux, sinabi niyang nakapamahagi na sila ng 25,000 shelter kits, nakapagbakuna ng higit sa 100,000 mga kabataan at may babakunahan pang 600,000 mga bata. Ikinatuwa niya ang impormasyong handa ng umani ang mga magsasaka sa Tacloban dahilan sa pagtutulungan ng mga ahensya upang matulungan ang magsasaka.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>