Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Enrile, humarap sa Sandiganbayan

(GMT+08:00) 2014-07-11 19:25:12       CRI


Senador Enrile, humarap sa Sandiganbayan

KAHIT pa may nababahala sa kalusugan ni Senador Juan Ponce Enrile, dumalo siya sa pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan samantalang nakasuot ng malaking barong tagalog at may heart monitor upang bantayan ang tibok ng kanyang puso.

Bago nagsimula ang pagbasa ng sakdal, humarap sa mga mamamahayag si G. Enrile. Nang dumating ang kanyang abogadong si dating Solicitor General Estelito Mendoza. Itinuloy ang pagdinig.

Sa pagdinig, ipinaliwanag ni Enrile ang kahalagahan ng Bill of Particulars upang mabatid ang tunay na larawan at lawak ng mga usapin laban sa kanya. Mahalaga ito upang maipagtanggol ang kanyang sarili.

Nagtanong si Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang kung maayos ang kanyang kalusugan at kaya niyang humarap sa pagbasa ng sakdal, sinabi ni G. Enrile na handa siyang basahan ng sakdal.

Subalit sinabi rin niya na may mga pagkakataong ang kanyang blood pressure ay tumataas ng 200/100 at sinabi pa ng manggagamot ng PNP na minsan ay umabot pa sa 210/90.

Inatasan ang manggagamot ng PNP at si Dr. Eduardo Viola ng Sandiganbayan na kunan ng blood pressure si Enrile. Ayon sa PNP doctor ito ay 160/70 samantalang sinabi ng Sandiganbayan doctor na ito ay 150/80. Ligtas umanong basahan ng sakdal ang mambabatas.

Tumanggi si Enrile na magpasok ng kanyang plea sa mga alegasyon ng plunder. Ang pagbasa ng sakdal sa graft cases ay gagawin sa ika-18 ng Hulyo.

1 2 3 4 5 6 7 8 9
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>