Mga Filipino, pinayuhang huwag maglakbay patungong South Sudan
MAHIGPIT na binabantayan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas ang mga nagaganap sa larangan ng politika at seguridad sa South sudan. Nakataas pa ang Alert Level 3 sa South Sudan at pinapayuhan ang Filipino na huwag maglalakbay patungo sa bansa.
Ang Crisis Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) ang pinapanatili sa South Sudan dahilan sa mapanganib na kalagayan sa bansa. Sa ilalim ng Alert Level na ito hindi pinapayagan ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga manggagawa.
1 2 3 4 5 6 7 8 9