Pag-uusap ng MILF at Pamahalaan sa Kuala Lumpur, tagumpay
ANG magkabilang-panig ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front ay matagumpay na nakapag-usap hinggil sa buradol ng Bangsamoro Basic law.
Sang-ayon sa pahayag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, sa apat na araw na pag-uusap, pinagtuunan ng pansin ang nilalaman ng panukalang batas na siya ring pinag-aralan ng Office of the President.
Nagkaroon ng progreso at kinilala ang mahahalagang kataga ayon sa nilagdaang kasunduan. Nagkasundo ang magkabilang-panig na magtutulungan upang makabuo ng katanggap-tanggap na bersyon ng Bangsamoro Basic Law.
Kaharap sa pag-uusap ang mga bumubuo ng Bangsamoro Transition Commission at International Contact Group. Ang pagpupulong na ito ay sa pamamagitan ni Tengku Dato' Ab Ghafar Tengku Mohamed, ang Malaysian facilitator para sa peace negotiations.
1 2 3 4 5 6 7 8 9