|
||||||||
|
||
Panawagang buwagin ang Visiting Forces Agreement, kinontra
TUTOL ang Department of National Defense sa kahilingang pawalang-saysay ang Visiting Forces Agreement sapagkat makakaapekto ito sa magiging tindig ng Pilipinas.
Sa isang mensaheng idinaan sa text, sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang VFA ay isang mahalagang bahagi ng pangkalahatang defense strategy at ang pagtalikod rito ang makasasama sa minimum credible defense posture na mahirap matamo ng pamahalaan.
Idinagdag ni G. Gazmin na ginagawa pa ang lahat at hindi basta maaaring talikdan bago pa man mapakinabangan.
Nauna rito ang kahilingan ni Senador Miriam Defensor-Santiago at isang congressman sa pamamagitan ng isang joint resolution na talikdan na ang kasunduan na pumapayag sa mga kawal na Americano na magsagawa ng pagsasanay sa Pilipinas.
Sinabi ng mga mambabatas na ang kasunduan na ipinasa ng Senado ng Pilipinas noong 1999, ay ginagamit na pananggalang ng mga kawal ng Amerikano na nakagagawa ng krimen sa mga batas ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |