|
||||||||
|
||
Pagpapalaya sa may karamdamang lider ng mga rebelde, hiniling
NANAWAGAN ang grupong Karapatan sa pamahalaan na palayain na muna ang may karamdamang lider ng sinasabing lider ng mga rebeldeng si Wilma Austrai-Tiamzon "on humanitarian grounds."
Sinabi ng Karapatan na si Austria-Tiamzon ay dinala sa Philippine National Police General Hospital at sa National Kidney Transplant Institute upang sumailalim sa medical check-up sa kautusan ni Judge Madonna Echiverri ng Quezon City RTC Branch 81 noong nakalipas na ika-13 ng Oktubre.
Pinagbigyan ng hukuman ang kahilingan ni Austria-Tiamzon na magpatingin sa manggagamot dahilan sa pagkahilo at pagkapagod at sakit sa likod. Sa pagsusuri ng isang manggagamot, nabatid na mayroon siyang vertebral artery syndrome na unang napuna noong 2006.
Kailangan umano ng cardiologists at thoraco-cardio-pulmonary-vascular surgeon upang suriin ang pasyente.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |