|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Arsobispo Villegas, nagpasalamat kay Pangulong Aquino
ILANG araw bago dumating si Pope Francis sa Piipinas, ginamit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang poder ayon sa Saligang batas upang bigyan ng executive clemency ang matatanda, maysakit at matagal ng napiit na mga bilanggo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, na nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa ginawang ito ng pamahalaan na pagtangkaang gawin ang bansa bukal ng awa at habag, tulad ng hinihiling ni Pope Francis.
Ang pinakamagandang matatamo ng penal at correctional system ay hindi ang paghihirap ng nagkasala sapagkat ito ay ang pagbabalik sa lipunan matapos niyang aminin ang kanyang pagkakasala at responsibilidad.
Idinagdag pa ni Arsobispo Villegas na patuloy niyang ipagdarasal ang pagkakaroon ng restorative justice sa Pilipinas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |