Magulang ni Cadet First Class Cudia, lumiham na sa Korte Suprema
HINILING G. Renato Cudia, isang dating Philippine Navy SEAL sa Korte Suprema na desisyon na ang kanilang inihaing petisyon sa ngalan ni Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia na pinatalsik at pinagbawalang lumahok sa pagtatapos ng kanyang kurso noong nakalipas na Marso 2014.
Nanindigan si G. Renato Cudia na isang taon nang naghihirap ang kanyang anak at tila wala ng kinabukasan sa kawal ng katarungang pagpapatalsik sa kanya sa cadet corps sa kasalanang hindi naman ginawa.
Hiniling ng nakatatandang Cudia na kilalanin din ang pagpapakasakit ng kanilang anak sa loob ng apat na taon sa Philippine Military Academy sa Baguio City. Humiling ang nakatatandang Cudia na maglabas na ng desisyon upang makamtan ang katarungan, ang transcript of records at sertipiko ng pagtatapos upang makapag-hanapbuhay na sa pinakamadaling panahon.
1 2 3 4 5