|
||||||||
|
||
20150528ditorhioweb.m4a |
Si Koen Naber ay 32 taong gulang na taga-Netherlands. Siya ngayon ay may-ari ng isang shoe shop sa Beijing.
Dala ang pangarap na magtayo ng sariling kompanya, dumating siya sa Tsina, mahigit 4 na taon na ang nakakaraan.
Pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho sa Tsina bilang abogado, binitawan ni Koen ang karera at nagtayo ng sariling negosyo. Pumasok siya sa shoe business.
Kakaiba ang estilo ng mga sapatos ni Koen at kapansin-pansin ang mga kulay nito. Kahit ang tradisyonal na kulay ng sapatos sa Tsina ay itim, maganda pa rin ang takbo ng negosyo ni Koen dahil na rin sa kanyang kakaibang disenyo at approach sa negosyo. Narito ang kanyang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |