Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Grace Poe, tatakbo sa Panguluhan

(GMT+08:00) 2015-09-16 18:29:44       CRI

Senador Grace Poe, tatakbo sa Panguluhan

INIAALAY ni Senador Grace Poe ang sarili bilang kandidato sa pagkapangulo ng bansa.

Sa kanyang 24 na minutong talumpati sa UP Bahay ng Alumni, sinabi ng senadora na na prayoridad niya sa kanyang pamahalaan ang pagbabawas ng paghihirap ng mga mamamayan mula sa kakulangan ng hanapbuhay, proteksyon at pagkakataong kumita ng maayos.

Bibigyang pansin umano ang edukasyon, pagsasaka, pagawaing-bayan, paglaban sa korupsyon, mas mababang singil sa kuryente at paglaban sa krimen at droga.

Nangako rin siyang ipagpapatuloy ang peace talks sa lahat ng lumalaban sa pamahalaan, pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga Overseas Filipino Workers at pakikipag-usap sa iba't ibang bansa hinggil sa isyu ng West Philippine Sea o South China Sea. Nais din niyang palakasin ang Philippine Coast Guard at ang Armed Forces of the Philippines.

Walang binanggit ang senadora kung anong partido ang kanyang dadalhin sa halalan. Bukas, inaasahang magdedeklara si Senador Francis Escudero ng kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente ni Grace Poe.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>