Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Grace Poe, tatakbo sa Panguluhan

(GMT+08:00) 2015-09-16 18:29:44       CRI

Takbo ng ekonomiya, magiging sandigan sa susunod na panahon

MAGANDANG TAKBO NG EKONOMIYA, MAGPAPATULOY HANGGANG 2016.  Ito ang sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arseniio M. Balisacan sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga.  (NEDA Photos)

SINABI ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na sa nagaganap na kaunlaran at katatagan ng ekonomiya sa nakalipas na limang taon, makakaasa pa rin ang mga mamamayan ng magandang ekonomiya sa susunod na taon.

Sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga, sinabi ni G. Balisacan, sa dinami-dami ng hamong hinarap ng pamahalaan nagkaroon pa ng matatag na ekonomiya. Noong 2014, umabot ito sa 6.1% samantalang ang average growth rate mula 2010 hanggang 2014 nakarating ito sa 6.2% na siyang pinakamataas na average growth mula noong kalagitnaan ng dekada sitenta.

Ipinaliwanag pa ni G. Balisacan na sa unang bahagi ng 2015, bumagal ang kaunlaran at nakarating sa 5.3% na magandang ihambing sa mga kalapit-bansa.

Napupuna rin ni G. Balisacan na lumalaki ang papel ng investment spending o capital information at pagyabong ng industriya lalo na sa pagkabuhay muli ng manufacturing sa supply side. Noong 2014, ang radio ng fixed capital formation sa Gross Domestic product ay umabot sa 21.5% mula sa 18.7% noong 2009.

Sa ikalawang bahagi ng 2015, ng real GDP growth, ikatlo ang Pilipinas sa People's Republic of China na nagtaglay ng 7.0%, Vietnam na nagtamo ng 6.4% at nauuna sa Malaysia na nagtaglay ng 4.9%, Indonesia na mayroong 4.7% at Thailand ay nagkaroon ng 2.8%. Maaaring bumaba ang produksyon dahil sa matinding banta ng El Nino.

Naging matatag ang financial system mababa ang inflation at nasa loob ng government targets. Matatag din ang current account surplus dahil sa matatag na padalang salapi ng mga Filipino mula sa ibang bansa, magandang kita mula sa business process outsourcing at kinita ng bansa mula sa turismo.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>