Sa likod ng mga batikos, tuloy ang flood control projects
IPAGPAPATULOY ng Department of Public Works and Highways ang 15-taong master plan para sa flood management sa Metro Manila at mga kalapit-pook na nagkakahalaga ng P351.7 bilyon. Para sa taong 2016, kailangan ang P54.6 bilyon para sa flood management services.
Ipinaliwanag ni Secretary Rogelio Singson ang master plan sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang budget na P391.7 bilyon para sa kanyang ahensya sa taong 2016.
Ang P54.6 bilyong budget ang siyang magiging pondo ng DPWH sa pagtatayo at maintenance ng flood mitigation structures at drainage system, pagtatayo at rehabilitasyon ng flood mitigation structures sa major river basins at principal rivers.
1 2 3 4 5 6