|
||||||||
|
||
melo
|
TUMANGGI si Senate President Franklin M. Drilon na ginipit ng Liberal Party si Congresswoman Leni Robredo na tumakbo bilang katambal ni Secretary Mar Roxas bilang vice presidential candidate.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni G. Drilon na bagama't nagdadalawang-isip si Gng. Robredo sa pagtakbo, ito ay dahil sa kanyang mga anak at sa pangamba kung ano ang magaganap.
Pumayag lamang umano ang mga supling ni Gng. Robredo noong Sabado ng umaga at nagdeklara na siyang kakandidato kahapon. Nauunawaan ni G. Drilon ang pinagmumulan ng mga pangamba ng balo ni Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo. Umaasa ang pangulo ng senado na tataas ang ratings sa mga kandidato sa pagka-bise presidente ngayong hayagan na ang mga pagsasama-sama ng mg kandidato.
Tumataas na rin ang ratings ni Secretary Roxas matapos ihayag ni Pangulong Benigno Aquino ang suporta para sa kanila ni Gng. Robredo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |