|
||||||||
|
||
Red Cross Chair Richard Gordon, mamumuno sa talakayan
UMALIS kamakalawa si Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon patungong Austria upang pamunuan ang talakayan sa ika-50 anibersaryo ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) fundamental principles.
Sa isang linggong talakayan, isusulong ni G. Gordon ang pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross sa iba't ibang samahan upang higit na matulungan ang mga manggagawang Filipino sa may 189 na Red Cross at Red Crescent societies sa buong daigdig.
Magpapasalamat din siya sa mga tumulong sa Pilipinas sa larangan ng kalusugan, welfare at disaster relief programs.
Pag-uusapan din ang mga paraan upang makatulong ang Red Cross societies sa kani-kanilang pamahalaan sa oras ng pangangailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |