|
||||||||
|
||
Mas mabagal na kaunlaran sa rehiyon magaganap
SINABI ng World Bank na lalago ang Silangang Asia ng 6.5% sa pagtatapos ng 2015 at hamak na mas mababa kaysa natamong 6.8% noong nakalipas na taon.
Ang Silangang Asia ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng ekonomiya ng daigdig sapagkat sa rehiyong ito nagmumula ang 2/5 ng pandaigdigang kalakalan.
Ito ang sinabi ni Axel van Trotsenberg, ang Regional Vice President ng World Bank para sa Silangang Asia at Pacific.
Bagaman, nananatiling matatag ito subalit sa nagaganap nitong mga nakalipas na ilang buwan, kailangang magtuon ng pansin ang policy makers sa structural reforms na siyang sandigan ng higit na maasahang at pangmatagalang kaunlarang pangkalahatan.
Kabilang sa mga repormang kailangan ang pagpapahusay ng regulasyon sa pananalapi at mga programang titiyak ng transparency at accountability. Sa oras na maganap ang mga ito, makatitiyak ang mga mangangalakal at ang pamahalaan na siyang mag-aangat sa mga mamamayan mula sa kanilang kahirapan.
Ito ang napapaloob sa East Asia Pacific Economic Update na inilabas kahapon matapos masuri ang mga nagaganap sa daigdig at sa rehiyon. Mabagal ang pagbawi ng pandaigdigang kalakal kahit pa umuunlad ang kalakalan. Ito na ang pinakamabagal na naganap mula noong 2009. Bumagal din ang kaunalran sa mga umuunlad na bansa sa commodity producers na apektado ng mas mababang halaga ng kanilang mga paninda.
Ang ekonomiya ng Tsina ay inaasahang lalago sa 7% ngayong taon subalit babagal din samantalang ang ekonomiya nito ay kinakikitaan ng pagbabago sa pagkakaroon ng mas malakas na domestic consumption. Magkakaroon ng gradual reduction of growth sa Tsina.
Ang nalalabing bahagi ng Silangang Asia ay lalago ng 4.6% ngayong 2015 na halos katulad noong nakalipas na taon. Ang commodity exporters tulad ng Indonesia, Malaysia at Mongolia ay magkakaroon ng mabagal na kaunlaran at mas mababang kita sa pamamagitan ng malilikom na buwis.
Lalago ang Vietnam ng 6.2% ngayong 2015 at 6.3% sa 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |