|
||||||||
|
||
Inflation, pinakamababa noong Setyembre
DAHIL sa mas matatag na halaga ng pagkain, kuryente at petrolyo, naibaba pa ang inflation sa pinakamababang antas na 0.4% noong nakalipas na Setyembre ng taong ito.
Ayon sa National Economic Development Authority, iniulat ng Philippine Statistics Authority na ito ang pinakamababang inflation rate mula sa 0.6 noong Agosto at mula sa 4.4% noong Setyembre ng 2014.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na inaasahan na nila ang mababang inflation rate sa unang siyam na buwan ng 2015 at magpapatuloy ito hanggang sa Disymebre. Nananatling mababa ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan at hindi inaasahang tataas sa mga susunod na buwan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |