Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagpasalamat sa tagumpay ng APEC 2015

(GMT+08:00) 2015-11-19 16:45:02       CRI

Karapatan ng mga nagpoprotesta, kinikilala ng pamahalaan

KINATAWAN NG IBA'T IBANG SEKTOR, NAGPROTESTA.  Pinagtangkaan ng mga kabilang sa iba't ibang sektor na malampasan ang barikadang inilagay ng pulisya at militar.  Nauwi sa maikling karahasan sa may Roxas Blvd. kaninang umaga.  Nanawagan din sila na itigil na ang pamiminsala sa mga Lumad.  (Melo M. Acuna)

NAKAKALAT ANG MGA PULIS AT MILITAR SA KAMAYNILAAN.  Binuo ng pamahalaan ang hanay ng mga pulis sa bahagi ng Liwasang Bonifacio upang maiwasan ang pagkakampo at demonstrasyon ng mga cause-oriented groups.  (Melo M. Acuna)

TINIYAK ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police, na kinikilala ng pamahalaan ang karapatang makapagpahayag ng mga mamamayang tutol sa nagaganap na Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Maynila.

Kaninang umaga, isang malaking grupo ng mga nagpoprotesta mula sa iba't ibang sector ang natipon sa kahabaan ng Taft Avenue patungo ng Buendia sa panulukan ng Roxas Blvd.

Dala ang mensaheng "Tutulan ang APEC!" nagmartsa ang mga seminarista, maralitang tagalunsod, mag-aaral at mga manggagawa na nanawagan din sa pagpapatigil ng mga karahasan laban sa mga Lumad o mga katutubo ng Mindanao.

Ani G. Mayor, pinagbigyan na silang mag-martsa sa lansangan at magpahayag ng kanilang saloobin kahit wala sa mga tinaguriang freedom parks subalit hindi na sila mapapayagan pang lumapit sa pinagdarausan ng APEC leaders' retreat sa Philippine International Convention Center.

Ipinaliwanag din niyang ipatutupad ang batas sa mga banyagang mapapatunayang lumahok sa protesta sapagkat hindi sila binibigyan ng karapatang manghimasok sa mga usapin ng bansa.

Hindi naman maipaliwanag ni G. Mayor kung bakit patay ang signal ng SMART Telecommunications.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>