|
||||||||
|
||
AFP at PNP, nakatanggap na ng balita sa pamumugot
MAXIMUM TOLERANCE PA RIN. Ito ang ipinatutupad ng pulisya sa mga demonstrador laban sa APEC 2015. Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni G. Mayor na magkakaunawaan pa rin ang mga demonstrador at ang mga alagad ng batas. (Melo M. Acuna)
NAKATANGGAP na ng impormasyon ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police hinggil sa pamumugot sa Jolo at sa pagsabog sa Davao City.
Ayon sa pahayag ng AFP-Western Mindanao Command, may mga tauhan sila na dumadalo sa mga pangyayaring ito at naghihintay pa rin ng official report.
Nakatuon ang pansin ng APEC Special Task Force sa mga gagawin nitong may kinalaman sa pagpupulong sa Maynila kaya't ipinaubayan na ng task force sa kanilang mga tauhan nsa Mindanao na tumugon sa mga pangangailangang tulad nito.
Niliwanag din ni Chief Supt. Mayor na nagsasagawa na ng kaukulang pagsisiyasat ang pulisya sa pamamagitan ng kanilang forensics upang makilala at mabatid kung ang napaslang ay siya ngang dinukot na Malaysian national ng Abu Sayyaf. Tumanggi si G. Mayor na magbigay ng takdang panahon upang mabatid ang kumpirmasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |