Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulisya at militar, umaasang madarakip ang mga Abu Sayyaf

(GMT+08:00) 2016-04-27 17:52:16       CRI

 

Pulisya at militar, umaasang madarakip ang mga Abu Sayyaf

PATULOY na umiinit ang situwasyon para sa mga pulis at mga kawal na dakpin ang nasa likod ng pamumugot sa Canadian national na si John Ridsdel noong Lunes sa Sulu.

Isang malaking balakid sa mga pulis at kawal ang paglalagay sa alanganin sa nalalabing hostages.

Kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pamamaslang at nangakong tutulong sa Pilipinas na habulin ang mga armadong nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Nakausap na ni Prime Minister Trudeau si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ayon kay Prime Minister Trudeau ang kanilang pag-uusap ay natuon sa pangangailangang mapanagot ang mga kriminal sa batas at kung ano ang kanilang magagawa sapagkat nababahala sila sa seguridad ng kanilang mga mamamayan sa Pilipinas subalit hindi sila magbabayad ng ransom.

Magugunitang inilagay sa isang plastic bag ang ulo ni Ridsdel at itinapon ng mga nakamotorsiklong militante noong Lunes ng gabi sa Jolo sa Sulu may 950 kilometro sa katimugan ng Maynila na pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf at mga kasamang armado na pinaniniwalaang bumihag sa may 22 banyagang hostages mula sa anim na bansa sa kanluran at Asia

Sa likod ng pangyayaring ito, tuloy ang military at police operations laban sa mga armado. Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mayroong 2,000 mga kawal ang gumagalugad sa mga pook na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf. Suportado sila ng mga UH-1H helicopters at MG-520 gunships.

Pinaniniwalaang marami sa hostages ang napalaya matapos magbayad ng ransom.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>