Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FMA, pasok na sa Chinese movie industry

(GMT+08:00) 2016-04-28 17:03:01       CRI

Sa loob ng libong taon, ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay nanatiling mapayapa at mapagkaibigan. Pero, nitong ilang taong nakalipas, dahil sa di-pagkakaunawaan sa karagatan, mabilis na lumala at pumangit ang relasyong ito.

Magkagayunman, ang Tsina ang siya pa ring ikatlong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, sunod sa Japan at Amerika.

Gayundin, patuloy ang pagdami ng mga turistang Tsino na bumibisita sa Pilipinas. Ayon sa Department of Tourism-Beijing Office, ang Tsina ang ikatlong pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang namamasyal sa Pilipinas; sunod sa Amerika at Timog Korea.

Kamakailan, ang Filipino Martial Arts (FMA), isa sa mga pinaka-importanteng pamanang pangkultura ng Pilipinas sa makabagong mundo ay nakapasok na rin sa puso ng maraming Tsino.

Kilala rin sa tawag na Arnis, Eskrima at Kali, maraming beses nang ginamit ang FMA sa mga pelikulang Hollywood na gaya ng Enter the Dragon ni Bruce Lee, James Bond: Quantum Solace, The Hunted, The Bourne Trilogy, The Book of Eli, 300, Mission Impossible, Fast and the Furious, at marami pang iba.

Dito sa mainland ng Tsina, isang Chinese TV series ang nagdesisyong gumamit ng ilang signature FMA techniques upang pagandahin ang kanilang mga fight scene.

Ang titulo; Tribes and Empires - Storm of Prophecy.

Sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Lu Cai, aktor ng nasabing TV series, na talagang napakainam na desisyon na gamitin ang FMA, kasi ito'y nakapagbigay ng bagong perspektibo sa mga manonood sa Tsina. Sa pamamagitan ng FMA, naging napakaganda ng aming produksyon, dagdag pa ni Lu.

Sabi pa niya, sa paggamit ng FMA sa TV series, parang sinasabi namin sa audience na "hey! martial arts can look like this as well!"

"Inaasahan ko na mas marami ang magiging interesado sa FMA paglabas ng Tribes and Empires - Storm of Prophecy," sabi pa ni Lu.

Aniya, ang FMA ay ibang-iba kasi, may kalayaan kang gumalaw at ipakita ang iyong tunay na sarili, pero, idinidebelop din nito ang pokus at koordinasyon.

"You have to be aware of your partner's movement, while simultaneously blocking and parrying. That is really hard, but also very satisfying," sabi pa niya.

http://v.youku.com/v_show/id_XMTQ5NDY3MTgyOA==.html?from=s1.8-1-1.2#paction

 

Lu Cai and Rhio Zablan

Lu Cai (kaliwa) Rhio Zablan (gitna) at James Lin (kanan) habang nagsasanay sa Filipino Martial Arts

1  2  
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Arte mula sa Basura 2016-04-21 15:53:31
v DoT Beijing, kalahok sa COTTM: Filipino Martial Arts, itinanghal 2016-04-21 15:45:11
v Mga Laowai sa Tsina 2016-03-31 18:49:50
v Negosyante ng Silk Road 2016-02-18 17:46:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>