Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamilya ni Jonas Burgos, nanawagan sa mga kandidato

(GMT+08:00) 2016-04-28 17:38:05       CRI

Pamilya ni Jonas Burgos, nanawagan sa mga kandidato

HINAMON ng pamilya ng nawawalang aktibistang-magsasakang si Jonas Burgos ang sinumang magwawagi sa panguluhan na ibalik siya sa kanyang pamilya.

Hanggang hindi nalulutas ang pagkawala ng mga katulad ni Jonas Burgos at ng dalawang mag-aaral na babae mula sa University of the Philippines, lumalaki ang posibilidad na hindi maparurusahan ang mga may kagagawan.

Ito ang buod ng pahayag ng pamilya ni Jonas Burgos na dinukot ngayong araw na ito may siyam na taon na ang nakalilipas.

Si Jonas ang ikatlong supling ng iginagalang na mamamahayag na si Jose Burgos, Jr. na dinukot ng apat na kalalakihan at isang babae samantalang kumakain ng pananghalian mag-isa sa Ever Gotesco Mall sa Quezon City.

Ang mga kabilang sa pamilya at kaibigan na pinamunuan ni Gng. Edita Tronqued Burgos ang dumulog na sa mga hukuman, sa mga lansangan, sa pamahalaan, at non-government organizations sa loob at labas ng bansa sa paghahanap ng daang maibalik ng mga dumukot ang biktima.

Kabilang sa mga unang dumalo sa kanyang panawagan ang dating Pangulong Corazon C. Aquino na pumailanlang sa poder sa pamamagitan ng "mosquito press" noong panahon ng diktadura ni Pangulong Marcos.

Si Senador Benigno III ang nagtalumpati sa unang pagkakataon hinggil sa pagdukot kay Jonas Burgos. Nang maging pangulo si Noynoy Aquino, nagpasabi siya sa pamilya ni Jonas Burgos na mailalabas ang nawawalang aktibista at magsasaka at mabibigyan ng katarungan.

Patapos na ang termino ni Pangulong Aquino at nananatiling nawawala pa rin si Jonas Burgos ayon sa pahayag ng pamilyang inilabas ngayong Huwebes. Ang mas masakit umano ay isa sa mga pinaghihinalaan, isang dating Colonel Eduardo Ano ang naging heneral at hinirang pang pinuno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines at ngayo'y pinuno ng Philippine Army.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>