Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inflation tumaas sa unang tatlong buwan ng taong 2017

(GMT+08:00) 2017-04-21 17:48:24       CRI

Estados Unidos, nababahala sa mga pagpatay sa Pilipinas

SA balitang mula sa Washington, sinabi ng America na nabababahala sila sa pagdami ng mga napapatay na kanilang tinaguriang extra judicial killings sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs. Nanawagan ang America sa Pilipinas na ipatupad ang pangakong gagawa ng pagsisiyasat.

Aabot na sa 9,000 katao na karamiha'y gumagamit ng droga at small-time dealers ang napapatay mula ng maupo si Pangulong Duterte sa Malacanang. Nangako si G. Duterte na walang humpay ang kampanya laban sa droga.

Sa datos ng Philippine National Police hanggang ika-30 ng Marso, ang mga lehitimong operasyon ng pulisya ay nagtapos sa 2,600 napapaslang na drug personalities. Mayroon ding 6,000 mga napaslang na sinisiyasat pa. Ayon sa pulisya, may ikatlong bahagi ng mga napaslang ang napatay dahil sa pagtatangka sa buhay ng mga autoridad. Ayon sa mga human rights group, two-thirds naman ay kagagawan ng mga pulis na nagpapakilalang mga bayarang "vigilantes."

Sinabi ni Patrick Murphy, US Deputy Assistant Secretary of State for Southeast Asia na bagama't nakikiisa ang America sa layunin ni G. Duterte na wakasan ang salot ng illegal drugs, nababahala silang may mga kumikilos ng labag sa batas at tunay na nakababahala ang extrajudicial killings.

Nailabas ng Reuters ang kanilang ulat na nagsasabing may mga pulis na binayaran ng kanilang tanggapan upang pumatay ng mga taong sangkot umano sa illegal drug trade.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>