Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inflation tumaas sa unang tatlong buwan ng taong 2017

(GMT+08:00) 2017-04-21 17:48:24       CRI

Bagong Arsobispo ng Lipa, itinalaga

NAPUNO ang Katedral ni San Sebastian sa Lipa City kaninang umaga sa pagtatalaga kay Monsignor Gilbert Garcera bilang ika-walong Arsobispo ng Lipa. Hinalinhan ni Arsobispo Garcera si Arsobispo Ramon Cabrera Arguelles na nagretiro noong nakalipas na ikalawangaraw ng Pebrero.

Pinamunuan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gionvanni Pinto ang rito ng pagtatalaga. Sinaksihan ang okasyon nina Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo, Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal at Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales at may halos 50 mga obispo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kanyang homiliya, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na ang mga Obispo ay tinatawagan ng Simbahang Katolika na maghandang mamatay sapagkat maraming hamong kinakailangang harapin.

Nagaganap ang mga makabagong paraan ng pagpatay sa pamamagitan ng mga daliri hindi sa gatilyo ng baril kungdi sa mga keyboard ng computer at mobile phones upang magkalat ng walang katotohanang mga akusasyon, paninira at kasinungalinan.

Nanawagan siya kay Arsobispo Garcera na maging handing mamatay samantalang naninindigan sa ngalan ng katotohanan. Ikinalungkot din ni Arsobispo Villegas na mga nagsasabing mga Kristiyano rin ang nasa likod ng mga walang katuturang paninira.

Hindi umano "separation of the Church and State" ang nais ng mga taong ito kungdi ang tuluyang pagkakalayo ng tao sa Panginoon, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>