Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, maglalakbay patungong Tsina

(GMT+08:00) 2017-05-08 17:00:11       CRI

NAKATAKDANG umalis patungo sa tatlong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Miyerkoles hanggang sa susunod na Lunes, ika-16 ng Mayo.

Sa isang press briefing, sinabi ni Foreign Affairs acting Spokesperson Robespierre Bolivar sa Malacanang kanina, lalahok si Pangulong Duterte sa World Economic Forum na idaraos sa Cambodia bilang chair ng Association of South East Asian Nations mula sa Miyerkoles, ika-10 ng Mayo hanggang sa Huwebes, ika-11 ng Mayo.

Ayon sa organizers, isang espesyal na panauhin si Pangulong Duterte kasama ang Prime Minister ng Vietnam na siyang pinuno ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC.

Ang World Economic Forum ay isang non-profit organization na may tanggapan sa Geneva, Switzerland. Bukod sa mga taunang pulong sa Davos na dinadaluhan ng mga Chief Executive Officer, mga pinuno ng Group of 20, at mga pinuno ng bansa at pandaigdigang mga samahan.

Nakatuon ang pulong sa Cambodia sa ASEAN. Kauna-unahang pagkakataong magiging punong-abala ang Cambodia na ang tema ay "Youth, Technology, and Growth: Security ASEAN's Digital and Demographic Dividends."

Magsasalita si Pangulong Duterte hinggil sa mga nagawa ng ASEAN at mga hamong hinaharap nito. Magsasalita rin siya sa harap ng mga negosyanteng dadalo sa pagtitipon.

Ipinagpasalamat ng mga pinuno ng ASEAN sa pagtatatag ng ASEAN science, technology, innovation partnership contributions. Nangako ang Thailand at Pilipinas na magkakaloob ng US$ 1 milyon bawat isa para sa proyekto.

Higit sa 700 mga pinuno ng bansa, kalakal, civil society at media ang inaasahang dadalo sa WEF regional meeting.

Ipinaliwanag ni G. Bolivar na umaasa ang mga kabilang sa ASEAN na matatapos na ang ASEAN-Hong Kong-China Free Trade Agreement bago matapos ang taon.

Mula Cambodia, magtutungo si Pangulong Duterte sa Hong Kong na katatagpuan ng mga manggagawa sa mga hotel at mga kainan at maging mga tahanan ng Hong Kong nationals. Madalas ang koordinasyon ng mga Pinoy sa Hong Kong sa Consulate General upang malutas ang mga problema ng mga OFW doon. Mananatili siya sa Hong Kong hanggang sa Sabado, ika-13 ng Mayo.

Tutuloy siya sa Beijing sa ika-13 ng Mayo upang lumahok sa One Belt One road Forum for International Cooperation mula sa ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo. May 27 iba pang pinuno ng bansa ang dadalo sa pagtitipon. May tatlong pinuno ng international organizations na dadalo rin sa pulong.

May tatlong bahagi ang BRF – ang Opening Ceremony, ang ministerial level dialoguena katatampukan ng pagpapalitan pananaw mula sa pamahalaan, negosyo at leaders' roundtable na pamumunuan ni Pangulong Xi Jinping.

Ipinaliwanag ni G. Bolivar na isang economic forum ang magaganap kaya't hindi lalabas ang isyu ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>