Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, maglalakbay patungong Tsina

(GMT+08:00) 2017-05-08 17:00:11       CRI

Benham Rise, mahalaga sa food security ng Pilipinas

SINABI ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol na mahalaga ang Benham Rise sa food security ng Pilipinas. Ito ang kanyang pahayag matapos ang tatlong araw na pagdalaw sa 13 milyong ektaryang nasasakupan ng Pilipinas na tinaguriang underwater plateau.

Iniulat ni Kalihim Pinol kay Pangulong Duterte na isang mayamang pangisdaan ang Benham Rise na kailangang maipagsanggalang at mabantayan laban sa sobrang pangingisda.

Kailangang magkaroon ng pasilidad ang Pilipinas sa Benham Bank, ang pinakamababaw na bahagi ng Benham Rise upang magkaroon ng research center para sa mga marine scientists, isang daungan para sa mga mangingisdang Filipino, isang pabrika ng yelo upang mapanatiling sariwa ang isda, isang himpilan ng Philippine Coast Guard at isang weather radar station.

Kasama ni G. Pinol ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na dumalaw sa Benham Rise mula noong Miyerkoles hanggang kahapon. Sinisid ng mga dalubhasa ang may 35 metrong lalim ng Benham Bank upang manaliksik. Inalam nila kung may tsansang magtayo ng isang research center sa pook.

Pinamunuan ni G. Pinol ang pagpapalutang ng 15 payao, kalahati sa target na 30 payao upang makatawag-pansin ng mga isda. May 5,000 metro ang lalim ng Benham Rise mula sa sea surface at pinagmumulan ng 43% ng isdang inilalapag sa Dinahican Port sa Infanta, Quezon.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>