|
||||||||
|
||
RP-US Balikatan Exercises nagsimula na
IDINAOS ang opening ceremonies ng Balikatan Exercises 33-2017 sa Campo Aguinaldo kaninang umaga. Ito ang opisyal na paglulunsad ng pagsasanay sa larangan ng humanitarian assistance, disaster relief at counter-terrorism. Magkakaroon din ng subject matter exchanges. Dumalo si Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at U. S. Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Tuloy ang community engagement ng dalawang bansa kasabay ng engineering civic assistance sa Panay, Leyte at Samar samantalang may pagsasanay din sa Luzon at mga kalapit pook.
Bukas magkakaroon ng staff exercise sa Camp Aguinaldo at Disaster preparedness training sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija. Sa darating na Lunes, ika-15 ng Mayo, mayroong civil military activities mula sa karagatan sa Casiguran, Aurora. Sa susunod na Martes, mayroong Humanitarian Assistance Disaster Relief sa Upi, Isabela. At sa darating na Mayo 17, Humanitarian Civic Action sa larangan ng engineering civic assistance sa Surok, Guiuan, Eastern Samar. Gaganapin ang closing ceremonies sa ika-19 ng Mayo sa Campo Aguinaldo.
Sa ika-33 edisyon, mayroong 2,800 service members ng Pilipinas at 2,600 mula sa America ang sabay na magsasanay. Mayroon ding 80 kasapi ng Australia at 20 mula sa Japan ang lalahok sa pagsasanay. Inanyayahan din ang iba pang military forces mula sa ibang bansa na makasama sa International Observers Program.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |