|
||||||||
|
||
Melo 20170710
|
Ormoc City, niyanig na naman ng malakas na lindol
NAGPAPATULOY ang pagyanig ng lupa sa Ormoc City at mga kalapit pook matapos ang 6.5 magnitude earthquake noong nakalipas na Huwebes na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng higit sa 40 katao.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy ang Seismology, hanggang kaninang ika-12 ng tanghali, umabot na sa 687 aftershocks ang naganap. Nasuri nila at nabatid ang pinagmulan ng may 84 lindol at nadama ng karamihan ang may 17 pagyanig tulad ng naganap kaninang umaga na may lakas na 5.8 magnitude.
Ang Philippine Fault Zone, partikular ang bahagi nito sa Leyte ang pinagmulan ng lindol. Anim na kilometro lalim lamang ang pinagmulan ng lindol. Ayon na rin sa Phivolcs, afterschok lamang ang naganap na malakas na lindol kanina.
Nakausap na ni Undersecretary Renato Solidum si Ormoc City Mayor Richard Gordon kahapon ay sinabi na malaki ang posibilidad na magkaroon pa ng afterschok na singlakas ng naganap noong Huwebes.
Samantala, ibinalita rin ng mga himpilan ng radyo at telebisyon na may 50 mga mag-aaral ng Ormoc City national High School ang nawalan ng malay kasunod ng malakas na lindol kanina. Sumugod ang ilang ambulansya at mga manggagamot sa paaralan. Wala namang malubhang nasaktan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |