|
||||||||
|
||
Maglalakbay patungong Malaysia, 'di pinayagang sumakay ng eroplano
NABIMBIN ng mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport ang pito kataong nakatakdang maglakbay patungong Malaysia kanina sa pagdududang may koneksyon sa Maute Group.
Ayon kay Charo Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific, ang pito katao ay dinala sa tanggapan ng Airport Police sa NAIA.
Kinilala ang pito sa mga pangalang Mawiyag Cota, Acmali Mawiyad, Aldulcahar Maute, Al Nizar Maute, Abdulrahman Maute, Yasser Maute at isang Ashary Maute. Nakatakda sana silang sumakay sa 5J 499 flight ng Cebu Pacific patungong Malysia.
Mga Maute ang sinasabing nasa likod ng pananalakay sa Marawi City mula pa noong ika-23 ng Mayo. Wala pa namang natatanggap na balita si Col. Edgard Arevalo, pinuno ng Public Information Office ng Armed Forces of the Philippipnes mula sa mga autoridad sa NAIA.
Nagbigay ng talaan ng mga pangalan ng mga kinikilalang persons of interest ang Armed Forces of the Philippines sa mga paliparan at Bureau of Immigration.
Magugunitang may inilabas nang arrest orders si Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa mga pinaniniwalaang kasapi ng Maute Group.
Sa pitong pasaherong nabimbin, tanging si Abdulrahman Maute ang may kahalintulad na pangalan sa arrest orders, si Abdulrahman Romato Maute alias Damam.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |