|
||||||||
|
||
Mga obispo, nakiisa sa mga biktima ng digmaan sa Marawi
NANAWAGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na magtulungang maibalik sa maayos ang Marawi City at maghari ang kapayapaan. Nagtatanong din sila kung ang patuloy na Martial Law o ang pagpapatagal nito ay makatutulong sa pagbabalik ng normalidad sa Marawi City.
Naniniwala ang mga obispo na walang kinalaman ang pananampalataya sa kaguluhan sa Marawi City. Ipinagpasalamat nila ang mga kwentong ipinagtanggol ng mga Muslim ang mga Kristiano at tinulungang makaligtas sa tiyak na kamatayan. Tumutulong din ang mga Kristiano sa libu-libong mga Muslim na lumikas mula sa Marawi City tungo sa ligtas na kalagayan. Walang senyal na relihiyon ang pinagmulan ng kaguluhan.
Kinokondena rin nila, tulad ng mga Islamic religious scholars sa Mindanao ang kapangahasan ng mga Maute sa Marawi City. Ang mga pinuno nila ay nangako ng pakikipag-alyansa sa mga pinuno at kasapi ng ISIS. Taliwas na ito sa layunin ng Islam sapagkat sangkot na sila sa abduction, hostage-taking, pananakit at pagpatay ng mga walang-laban.
Nanawagan din ang mga obispo sa madla na isulong ang inter-faith dialogue upang hindi magamit ang relihyon sa kaguluhan at terorismo. Nanawagan sila sa mga magulang, sa mga guro, at mga simbahan at bahay-dalanginan na huwag payagang makumbinse ng mga terorista ang mga kabataan. Kailangang turuan ang madla ng kahalagahan ng pananampalataya tungo sa kapayapaan. Walang pananmpalatayang nagtuturo ng pagpatay ng mga walang-laban sapagkat 'di sila kabilang sa kanilang pananampalataya.
May pagkakahalintulad ang Qur'an at ang Bibliya sapagkat pinararangalan din ng mga Muslim si Maryam, ina hi Jesus. Naniniwala rin ang mga katoliko na isang daang taon na ang nakalilipas ay nagpakita ang Birhen sa tatlong bata sa Fatima, na siyang pangalan ng anak ng propetang si Muhammad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |