|
||||||||
|
||
Pahayag ni Speaker Alvarez, pinabulaanan ni Senate President Pimentel III
PINAWALANG-SAYSAY ni Senate President Aquilino Pimentel III ang pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na kailangang patagalin ang Martial Law sa Mindanao sa loob ng susunod na limang taon.
Sa isang mensahe, sinabi ni Senate President Pimentel na nagpapatunay ang pahayag ni Alvarez na mayroon pang rebelyon sa Mindanao. Kailangang pag-isipang mabuti ang panukala, dagdag pa ng senate president.
Nararapat magmula sa pangulo ang kahilingang dagdagan pa ang panahon ng Martial Law sa Mindanao na siyang nagdeklara nito.
Lumabas sa isang pahayagan na sinabi ni G. Alvarez na isusulong niya sa Kongreso na habaan pa ang panahon ng Martial Law hanggang sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Escudero na tanging si Pangulong Duterte lamang ang makahihingi ng extension. Ilang mga mambabatas sa Kongreso ang kumontra sa panukala ni Speaker Alvarez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |