|
||||||||
|
||
Ombudsman, nag-utos na ipagsakdal si dating Pangulong Aquino
INAKUSAHAN ng Ombudsman si dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng usurpation of authority at graft sa napalpak na Mamasapano operation na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nararapat managot si dating Pangulong Aquino sa naganap na Mamasapano massacre.
Ang Usurpation of Authority ay napapaloob sa Article 177 ng Revised Penal Code at pagbabago sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019.
Kasama sa ipinagsumbong sina dating PNP Director General Alan Purisima at Special Action Force commander Director Getulio Napenas.
Sa pagsisiyasat, sinabi ni Ombudsman Morales na alam ni G. Aquino na nasa preventive suspension si Director General Purisima dahilan sa kontrobersyal na Werfast gun courier subalit pinayagan pa siyang lumahok sa pagbabalak sa operasyon ng mga pulis sa ilalim ng Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao na nakapatay sa international terrorist na si Marwan.
Sinabi pa ng Ombudsman na nakipagpalitan pa ng text messages si G. Aquino kay Purisima hinggil sa pagsalakay sa kuta ni Marwan. Maliwanag na ang isang taong suspendido ay 'di kailangang kumilos sa opisyal na kapasidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |