|
||||||||
|
||
Ombudsman Morales, nagsabing inuudyukan ni Pangulong Duterte ang mga alagad ng batas na pumatay
INAKUSAHAN ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si Pangulong Duterte ng pang-uudyok sa mga alagad ng batas na pumatay sa kanyang kampanya laban sa droga.
Sa isang panayam sa isang international television, sinabi ni Ombudsman Morales na ang paulit-ulit na panawagan ni Pangulong Duterte sa pumatay ng mga pinaniniwalaan at pinaghihinalaang drug personalities ay 'di katanggap-tanggap.
Gumagawa rin ng pagsisiyasat ang Ombudsman sa extra judicial killings. Problemang malaki ang pag-uudyok ni Pangulong Duterte sa kanyang mga tauhan ay labag sa batas.
Ang karaniwang pahayag ng kanyang mga tauhan ay figure of speech lamang ang mga pahayag ng pangulo.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mali ang pag-unawa ni Ombudsman Morales sa pahayag ng pangulo.
Sinabi rin ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na ang mga pahayag ng pangulo ay dahilan sa kanyang frustration sa kalagayan ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |