|
||||||||
|
||
Metro Shake Drill, idinaos sa Metro Manila
DAAN-DAANG mga mamamayan ang lumahok sa Metro Shake Drill sa pamumuno ng Metro Manila Development Authority.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang pagsasanay ay ginawa upang makapaghanda ang mga mamamayan sa posibleng pagyanig ng lupa. Nais ding mabatid kung gaano kabilis na makatutugon ang pamahalan sa emergency sa matinding traffic at pagdagsa ng mga sasakyan.
Kabilang sa mga lumahok ang mga kawani ng Malacanang, mga bahay kalakal sa Ortigas Center at maging mga mag-aaral. Lumahok din ang mga tauhan ng Department of Health at maging mga manggagamot mula sa iba't ibang samahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |