Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Potato Soup

(GMT+08:00) 2019-08-27 08:59:45       CRI

Mga Sangkap

2 katamtamang laking patatas, hiniwa nang maliliit

1 katamtamang laking regular na sibuyas, ginayat nang pino

½ tasa ng sibuyas na mura, hiniwa nang pino

2 kutsara ng cooking oil

1 kutsarita ng pamintang durog

1 kutsarita ng asin

1 tasa ng gatas na evaporada

3 tasa ng sabaw ng manok

Paraan ng Pagluluto

Initin ang cooking oil sa kawali. Igisa ang sibuyas at ang patatas. Bantuan ng isang tasa ng sabaw ng manok. Haluhaluin at takpan sa loob ng 5 minutes. Haluhaluin at bantuan pa ng 2 tasa ng sabaw ng manok hanggang maging durog na durog ang patatas.

Idagdag ang sibuyas na mura at ituloy pa ang paghahalo. Ibuhos ang gatas na evaporada at haluing mabuti para hindi makulta. Timplahan ng asin at pamintang durog. Haluhaluin. Ihain pagkalutung-pagkaluto.

May Kinalamang Babasahin
cooking show
v Chinese Egg Drop Soup 2019-07-16 10:33:24
v Quail Egg-filled Tomatoes 2019-07-04 10:44:07
v Quick Chinese-style Vermicelli 2019-05-29 10:47:23
v Fried Wheat Noodles 2019-05-09 15:36:24
v Ground Pork Cake with Salted Egg 2019-04-30 15:46:51
v Mandarin Fish with Mushrooms and Bamboo Shoots 2019-04-15 14:14:18
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>