请问你要红茶吗?Qǐngwèn nǐ yào hóngchá ma?
Maari bang malaman kung gusto ninyo ng tsaang itim?
Gaya ng alam ninyo, ang tsaang Tsino ay kilalang-kilala. At kung kumakain kasama ang mga kaibigan at panauhin, hindi nawawala sa mga Tsino ang pagiging maasikaso sa iba na gaya ng pagtatanong ng "Gusto ba ninyong uminom ng tsaang itim?" Sa wikang Tsino ay: 请问你要红茶吗? Qǐngwèn nǐ yào hóngchá ma?
请qing3, mawalang-galang na.
问wèn, magtanong.
请问qǐngwèn, mawalang-galang na o maari bang malaman. Kung may impormasyong gustong malaman, madalas na gamitin ng mga Tsino ang 请问qǐngwèn sa simula ng pangungusap bilang paggalang. Halimbawa, 请问你叫什么名字? Qǐngwèn nǐ jiào shénme míngzi? Mawalang-galang na, maari bang malaman ang pangalan mo? 请问你做什么工作? Qǐngwèn nǐ zuò shénme gōngzuò? Maari bang malaman kung ano ang trabaho ninyo? Sa wikang Filipino naman, ang maari at ninyo ay nagpapahiwatig ng paggalang.
你nǐ, ikaw o ka.
要yào, gusto o kailangan.
红茶hóngchá, tsaang itim.
Ang "吗ma" ay kataga na nagpapahiwatig ng tanong. Sa wikang Tsino, ang katagang pananong ay inilalagay sa hulihan ng pangungusap.