-
Ano ang inyong espesyalti?
Kadalasan, kung nagpupunta kami sa isang restawran na Tsino para kumain, tinatanong muna namin ang mga weyter at weytres kung ano ang kanilang espesyalti. Hindi kasi magkakapareho ang timplada ng mga pagkain sa iba't ibang restawran na marahil ay dahil sa napakalawak na rehiyon sa Tsina. Kaya kailangang malaman ang ganitong ekspresyon bago umorder ng pagkain.
你们nǐmen, kayo.
有yǒu, magkaroon o mayroon.
什么shénme, ano.
特色tèsè, espesyal.
菜cài, putahe o pagkain.
-
Kailangan ba ninyo ng kutsilyo't tinidor?
Ang chopsticks ay walang-katulad na gamit para sa mga Tsino kung sila ay kumakain. Para sa mga dayuhan na kararating lang sa Tsina o doon sa mga hindi pa nagtatagal dito, maari kayong alukin ng kutsilyo't tinidor ng weytres sakaling hindi kayo sanay gumamit ng chopsticks. Kailangan ba ninyo ng kutsilyo't tinidor? 你需要刀叉吗? Nǐ xūyào dāochā ma?
需要xūyào, gusto o kailangan..
刀dāo, kutsilyo.
At 叉chā, tinidor.
Ang "吗ma" ay isang kataga na nagpapahiwatig ng tanong.
-
Maari bang malaman kung gusto ninyo ng tsaang itim?
Gaya ng alam ninyo, ang tsaang Tsino ay kilalang-kilala. At kung kumakain kasama ang mga kaibigan at panauhin, hindi nawawala sa mga Tsino ang pagiging maasikaso sa iba na gaya ng pagtatanong ng "Gusto ba ninyong uminom ng tsaang itim?" Sa wikang Tsino ay: 请问你要红茶吗? Qǐngwèn nǐ yào hóngchá ma?
请qing3, mawalang-galang na.
问wèn, magtanong.
请问qǐngwèn, mawalang-galang na o maari bang malaman. Kung may impormasyong gustong malaman, madalas na gamitin ng mga Tsino ang 请问qǐngwèn sa simula ng pangungusap bilang paggalang. Halimbawa, 请问你叫什么名字? Qǐngwèn nǐ jiào shénme míngzi? Mawalang-galang na, maari bang malaman ang pangalan mo? 请问你做什么工作? Qǐngwèn nǐ zuò shénme gōngzuò? Maari bang malaman kung ano ang trabaho ninyo? Sa wikang Filipino naman, ang maari at ninyo ay nagpapahiwatig ng paggalang.
你nǐ, ikaw o ka.
要yào, gusto o kailangan.
红茶hóngchá, tsaang itim.
Ang "吗ma" ay kataga na nagpapahiwatig ng tanong. Sa wikang Tsino, ang katagang pananong ay inilalagay sa hulihan ng pangungusap.
-
Hati tayo sa bayad.
Nauuso naman ngayon sa mga kabataang Tsino ang hati sa bayad. "Hati tayo sa bayad." sa wikang Tsino ay: 我们AA制吧. Wǒmen AAzhì ba.
我们wǒmen, tayo o kami.
AA制AA zhì, go Dutch.
Ang "吧ba" ay isang kataga.