Aralin Bilang Tatlo Maligayang Kaarawan sa Iyo

 Makipag-usap sa CRI
 
  • Panoorin
  • Pag-aralan
  • Praktis
  • 正常播放     祝你生日快乐!Zhù nǐ shēngrì kuàilè!
    Maligayang Kaarawan! Sa pagkakataong ito, dadalo tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan. Sa Filipino, bumabati tayo ng "Maligayang Kaarawan" kapag dumadalo tayo sa isang pagdiriwang ng kaarawan. Sa wikang Tsino, maari ninyong sabihin: 祝你生日快乐! Zhù nǐ shēngrì kuàilè! Ang 祝zhù ay nangangahulugan ng magandang hangarin. 你nǐ, iyo. 生日shēngrì, kaarawan.Sa katotohanan, ang 生shēng ay nangangahulugan ng kapanganakan at ang 日rì ay petsa. Kaya kung pagsasamahin ay petsa ng kapanganakan o kaarawan, 生日shēngrì. 快乐kuàilè, maligaya. At ang isa sa mga sagot dito ay "谢谢xìexìe" na natutuhan na natin noong nakaraan.