-
Maligayang Kaarawan!
Sa pagkakataong ito, dadalo tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan. Sa Filipino, bumabati tayo ng "Maligayang Kaarawan" kapag dumadalo tayo sa isang pagdiriwang ng kaarawan. Sa wikang Tsino, maari ninyong sabihin: 祝你生日快乐! Zhù nǐ shēngrì kuàilè!
Ang 祝zhù ay nangangahulugan ng magandang hangarin.
你nǐ, iyo.
生日shēngrì, kaarawan.Sa katotohanan, ang 生shēng ay nangangahulugan ng kapanganakan at ang 日rì ay petsa. Kaya kung pagsasamahin ay petsa ng kapanganakan o kaarawan, 生日shēngrì.
快乐kuàilè, maligaya.
At ang isa sa mga sagot dito ay "谢谢xìexìe" na natutuhan na natin noong nakaraan.
-
Tagay!
Kadalasan ay nagdaraos tayo ng pagtitipon para ipagdiwang ang ating kaarawan at inaanyayahan natin ang ating mga kaibigan upang makisalo. At hindi nawawala ang inuman sa ganitong okasyon. Sa Filipino sinasabi nating "Tagay." At sa wikang Tsino, ito ay: 干杯gān bēi.
Ang 干gān ay saidin.
Ang 杯bēi ay baso ng alak.
Tulad ng napuna ninyo, maaring ganoon din ang sagot sa 干杯Gān bēi.
-
Ano ang numero ng telepono mo?
Pagkatapos ng pagtitipon, inihahatid natin ang ating mga bisita at maaring kailanganin natin ang mga numero ng telepono ng mga bagong kaibigan. Sa ganitong pagkakataon, ang sasabihin natin sa wikang Tsino ay: 你的电话号码是多少?Nǐ de diànhuà hàomǎ shì duōshǎo?
Ang 你的nǐ de ay nangangahulugan ng iyo o mo.
Ang 电话diànhuà ay telepono.
Ang 号码hàomǎ ay numero.
电话号码diànhuà hàomǎ, numero ng telepono.
Ang "ano" sa wikang Tsino ay 是多少shì duōshǎo.
Ang 你的电话号码nǐ de diànhuà hàomǎ ay numero ng telepono mo.
-
Isa-dalawa-tatlo-apat-lima-anim-pito-walo.
Ang sero sa wikang Tsino ay 零líng. Ang isa ay 一yī; ang dalawa ay 二èr; ang tatlo ay 三sān; ang apat ay 四sì; ang lima ay 五wǔ; ang anim ay 六liù; ang pito ay 七qī; ang walo ay 八bā; ang siyam ay 九jǐu; ang sampo ay 十shí.