Aralin Bilang Tatlo Maligayang Kaarawan sa Iyo

 Makipag-usap sa CRI
 

Sa Tsina, pangkaraniwan na lang ang pagtatanong ng edad ng isang tao. Ang ganitong pagtatanong ay itinuturing ding palatandaan ng pagpapakita ng malasakit ng isang tao sa iba. Halimbawa, tinatanong nila ang nakatatanda sa kanila ng nín您gāo高shòu寿 na nangangahulugang "Ilang taon na po kayo?" at nagpapakita sila ng paggalang dito. Sa kasalukuyan, parami nang parami ang mga lalaki at babaeng nagiging labis na abala sa kanilang trabaho at totoong wala nang panahon para maghanap ng nobya o nobyo. Maaring matagumpay sila sa kanilang mga karera pero malakas naman ang presyur mula sa mga magulang na maghanap ng kapartner. Dahil dito, minsan nagiging sensitibo ang mga tao sa kanilang edad. Kaya, maliban na lang kung talagang malapit kayo sa isa't isa, mas mabuting huwag mo na lang tanungin ang edad ng ibang tao.